sa linangan ng markaheng bughaw
luminang sa isip nag tampisaw
sa init ng apoy naga-sayaw
bawat lagok sya'y nakauuhaw
pag larga ng mga alitaptap
kasabay ang sa mata'y kutitap
ng hapong puso kong pinasaklap
nitong pagkabitin sa pasulyap
pitong gatang sa bawat hagdanan
limang takal sa bawat pagdaan
ng alak sa aking lalamunan
lalo pa na sya'y aking inasam
sa lirok ng tugmang dumadaan
dinaanang apoy sa katawan
ng bagang sa baga ko'y kumatam
sa'kin ay umimpis magdamagan
Thursday, October 7, 2010
Monday, October 4, 2010
Naglilibog Na Apoy
Pagsasayaw niya'y tunay na maalindog
Diwa'y talaga namang libog na libog
Sa babaeng mainit ang paghahandog
Ng pang-aakit ng mahinog na hubog
Aking pagnanasa'y kinamumuhian
Pang-aangking aking pinagnasaan
Kahit batid na ito ay kasawian
Pag-aasam sayo'y pinanggigilan
Sa pagmamasid ako ang 'yong isipin
Malasawang diwa iyo nang paliparin
Kanyang titig ay huwag mo nang sisirin
Sa akin ibuhos ang 'yong pag-aangkin
Iyong pagtitig sa kanya'y pano kaya?
Titig niyang sa titig mo'y di makalaya
Mahaplos lang s'ya, itaya kahit barya
Pagseselos kong galit na ang nagyaya
Sa mga damdamin di ka natitigang
Puso mo nga'y nilubos ang kagalakan
Sa alindog na iyong nais makamtan
Pangbubuyo'y walang pag-aalinlangan
Nakaaawa 'tong nagninilay nilay
Puot at pag-iirog na hinahalay
Ng paglilibog na siyang bumubuhay
Sa pagngata ng tulang sa'yo ay alay
May pagngangalit sa iyong pagnanasa
Sa alindog na iyong tinatamasa
Libido mong hindi mabigyan ng lasa
Sa muli mong pagbalik 'di na aasa
Sayaw n'ya para sayo ay maalindog
Diwa'y sinindihan ng matinding libog
Ng babaeng mainit na naghahandog
Nang-akit gamit ang mahinog na hubog
Diwa'y talaga namang libog na libog
Sa babaeng mainit ang paghahandog
Ng pang-aakit ng mahinog na hubog
Aking pagnanasa'y kinamumuhian
Pang-aangking aking pinagnasaan
Kahit batid na ito ay kasawian
Pag-aasam sayo'y pinanggigilan
Sa pagmamasid ako ang 'yong isipin
Malasawang diwa iyo nang paliparin
Kanyang titig ay huwag mo nang sisirin
Sa akin ibuhos ang 'yong pag-aangkin
Iyong pagtitig sa kanya'y pano kaya?
Titig niyang sa titig mo'y di makalaya
Mahaplos lang s'ya, itaya kahit barya
Pagseselos kong galit na ang nagyaya
Sa mga damdamin di ka natitigang
Puso mo nga'y nilubos ang kagalakan
Sa alindog na iyong nais makamtan
Pangbubuyo'y walang pag-aalinlangan
Nakaaawa 'tong nagninilay nilay
Puot at pag-iirog na hinahalay
Ng paglilibog na siyang bumubuhay
Sa pagngata ng tulang sa'yo ay alay
May pagngangalit sa iyong pagnanasa
Sa alindog na iyong tinatamasa
Libido mong hindi mabigyan ng lasa
Sa muli mong pagbalik 'di na aasa
Sayaw n'ya para sayo ay maalindog
Diwa'y sinindihan ng matinding libog
Ng babaeng mainit na naghahandog
Nang-akit gamit ang mahinog na hubog
Subscribe to:
Comments (Atom)