Dalawang pulgadang talim
ng dilang maitim
Limang-libong takipsilim
ngunit 'di mag dilim
Ang latay sa pusong sakim
ay aking kinimkim
Hanapin mo'ng tagulilong
saan man naroon
Sa hiwaga nya'y sumilong
sa tuli'y kumampon
Ang talisman ay ibaon
nang 'di ka mag urong
Alipinin mo ang sakit
dalhin mo sa langit
Hayaan silang manungkit
saya'y 'di sasapit
At sa talinghaga'y rikit
ang duyan kong akit
Tuesday, November 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment