Tuesday, June 14, 2011

Alon

Nitong pagtatagpo ng araw at dilim
at ihip ng hangin sa tabing baybayin
hindi ko mapigil na ika'y mahalin
sa akin ma'y sakim di ko mailihim.

binigay kong lahat ngunit hindi sapat
sa iyo ang bawat bagay na nilapat.
Ako ay namulat na di nararapat;
Ngayo'y nag iisa sa may tabing dagat.

Hinampas ng alon ang puting buhangin
naiwan ang bakas sa aking damdamin
nang ako'y lisanin nawa ay tangayin
ng simoy ng hangin ang sa'yong pagtingin.

No comments:

Post a Comment