Tuesday, February 23, 2010

Buga ng Makata

ang haplos ng mga titik
sa papel na minahal mo
ngayon nagparamdam ng isang
nagbabagang paglalapat


ang pagbuga ng himig
ng plumang hinagkan mo
ng pag-ibig at pagsuyo
ay sing tamis ng lollipop


nagsalo ang mga init
ng himig ng mga tula
sa pag-iisa ng puso
ng mga makatang tigang

Saturday, February 20, 2010

Ako si munti

~

Ako si munti, 'di nyo napupuna
Ngunit ako ang dagat, ako rin ang lupa
Ako ang hangin
Kabunduka'y ako rin

Ako si munti
Inyong binabale wala
'Di nyo man lang naisip
Na sa akin kayo nag mula

Ako si munti
Inyong mina mata
Ngayong ako'y marumi na
Binaboy ng inyong mga gawa.

Nilimut nyong ako ang silangan
Ako rin ang kanluran
Sa gabi ako ang tala
Sa umaga ako ang
Bhagharing maganda.

Ako rin ang batis
Ang ibong inyong tinutugis
Ako si munti,
Ako si munti.

pepper

~

sa pagtulog ko't pag-gising
iisang sa puso'y akin
di mawaring pag-nanais
hindi maipintang tamis

pangangata't paglalambing
pinag-isa't inilihim
tinalikuran ang madla
umalahoka'y nalanta

nang 'di mawari ang lahat
marapat nang isiwalat
banggitin at ibahagi
pag-ngiti ng yaring labi

hinanap ang halimuyak
saan ang mga bulak-lak
sa mundo mo na kay lawak
di mawari'ng tinatahak

'di malabong matagpuan
maging sa ulap at buwan
hanggat puso ko'y huwaran
na ika'y aking makamtan

sa pag tugis ko ng hangin
humantong sa mga bitwin
kalawaka't himpapawid
di alintanang natawid

ngayon na aking nakamit
yaring aking panaginip
hahawakan ng mahigpit
'di hahayaang ma waglit

Wednesday, February 17, 2010

ang hardinero ng pagibig

~

mga ngiti ay ipunla,
mula sa binhi ng hiwaga.

sa puso ay palaguin,
mga pag suyo't paglalambing.

mga kamay ay hawakan,
at iduyan sa kalawakan.

kung tadhana ay mag tagpo
sa bahaghari ay humayo

hanggang sa inyong pagtanda,
puso'y mananatiling bata.

kung pumuti man ang buhok,
mundo nyo'y tuloy sa pag-inog.

ang huni ng mga ibon,
isulat ninyo at itipon.

nang pagdating ng panahon,
maalala nyo ang kahapon.

Tuesday, February 16, 2010

red

Red
The color of your heart.
The color of your burning love.
The color of your shirt
on our very first date.
The color of several lollipops
among the 372 you gave me.
The color of the intense
fire of missing me.

Red
The color of my agony.
The color of my dripping blood.
The color of tears.
The color of my overrated,
so overrated valentines.
The color of my intense
fire of missing you.

Red is the color
where our our worlds have met.
Red is the color
when we miss each other.

Draft-don't publish

~

Marlboro morning
like smoking my lungs away
my mind's drifting play

then the sun goes down
then night, and midnight and dawn
another morning

Marlboro again
a sweet time with nicotine
moments worth living

well, it is easy
Then i will live everyday
serendipity

and then I found you
you changed my cha-cha-cha beat
like my smoke, you're sweet

seems a summer breeze
bringing an oblivious haze
girl, I am amazed

eyes are mesmerized
my mind is preoccupied
you are in my side

love-love, affection
can't find the definition
you are the closest

state of happiness
is very hard to achieve
freedom-love-freedom

not being with you
like not having Marlboro
my life goes loko



else, i will wallow
and put gardens with mallows
hiding from shadows

maling tula, maling makata, maling blog page

~

pitik bulak, eh alin sa lima
pitik bulag, sige manghula ka
masaya na, nakakatawa pa
huwag sumilip, huwag mandaya

lunes
martes
myerkules
huwebes
byernes

alin sa lima ang kasama ka
pitik bulag 'wag kang mandadaya
baka linggo, ay hindi siguro
hindi rin maaaring sabado

isa
dalawa
tatlo
apat
lima

alin nga, alin nga sa kanila
nakakalito, nakakahilo
nilalaro lang ang isipan ko
nilalaro't aking ginagago


aba
kada
ega
hala
mana

bilangin mo ang lahat ng pantig
pakinggan kung mayroon syang himig
ulitin mo kung mali ang tinig
awitin kung tama sa pandinig

patinig
kataga
talinghaga
tula
tumutugma

uy, leron-lerong tagapag sinta
sa tyubibo sige kumapit ka
o sa bahay kubo umuwi na
alibangbang sumisiritsit pa

Monday, February 15, 2010

boots

Eto na naman at susubukan kong isulat ang magulong nagtatae kong isipan.

Tingin ko hindi ko masabi ang tamang pangungusap. May mga salita naman na nabubuuo pero hindi lang magtugma ang bawat isa. Tila bawat salita ay kayang tumayo sa sarili nitong paa ngunit ang bawat talata ay bibigay sa dala dala nitong mga salitang nagkagulo sa iisang pangungusap.

Mangilang ulit ko nang sinubok na isulat ang nasa isipan ko. Mula sa paggising ko kaninang umaga ay sinimulan ko nang ipahayag ang kung anumang hindi ko maintindihan na nararamdaman ko. Sa paglapat ng aking mga daliri sa bawat letra ng laptop na gamit ko, mabilis naman ang pag-agos ng aking mga ideya. Mabilis din ang pag-click ko sa backspace button para burahin at ulitin ang nasabi ko na. Ilang beses ko na kayang nadelete ang mga naisulat ko na? Kung wala akong dinelete sa mga sinulat ko na, siguro ay nakagawa na ako ng mahabang mahabang pinagsama-samang mga ideya, salita, pangungusap at damdamin.

Tinanong ako kagabi ng isang taong pinahahalagahan ko kung bakit hindi ko maisulat ang gusto ko. Sabi pa nga niya, kung gusto ko daw magsulat, dapat maisulat ko.

Hindi ko maisulat ang mga salita. Hindi ko alam kung anong salita ang ilalagay ko sa tula o sa isang essay na gagawin ko. Sinubok ko rin naman ang ipinta ang nararamdaman ko pero tila namanhid ang aking mga daliri. Hindi ko mahawakan ang paint brush na naghihintay sa isang tabi. Hindi ko rin makita ang akmang kulay ng pinta para magamit at subukan iguhit ang nararamdaman ko.

Napakaganda ng nakikita ko. Para akong nakatayo sa isang kapatagan ng iba’t ibang uri ng mga bulaklak. Makukulay ang mga ito at bawat isa ay gusto mapangibabawan ang ibang mga bulaklak. Mababango ang mga ito na sa bawat paglanghap ko ay tila lumilipad ako sa alapaap ng panaginip. Ang liwanag ay mapagpalaya at pilit akong dinadalhan ng tuwa sa puso. Napakaganda at hindi ko alam kung akma na ba ang mga salitang gamit ko para sabihin at ipahayag ang ganda ng aking nakikita.

Natatakot ako sa paghawak ng napakagandang bagay na ito. Natatakot akong baka mabasag at masayang ko lang ito. Kasama ng tuwa, pag-asa, at pag-ibig ang takot, kaba, at pag-aalinlangan na darating ang panahon na magtatapos ang isang napakandang panaginip, na babawiin mo ang mga pag-suyo sa isang masaklap ng hinaharap.

Siguro nga, ito ang sinsabi ni Khalil Gibran na kasama ng isang napakandang panaginip ang isang kaba sa dibdib. Hindi ko alam kung nasabi ko ng maayos ang nararamdaman ko. Para akong tangang nagpupumilit ipahayag ang hindi maintindihan at hindi mapaniwalaan. Para akong kumakapa sa liwanag at bulag sa kamay ng bawat sinag ng pag-ibig.

Nais ko lamang ngayon na mahiga sa ibabaw ng mga bulakalak sa ilalim ng punong tinawag niyang  Jade Vine habang suot ang boots na ibinigay niya sa akin at walang pangamba sa pagkaligaw sa sarili naming mundo na siya mismo ang nagpasimula sa pag-usbong. Wala nang pag-aalilangan at pakikipagtalo, dito muna ako sa piling niya.