Tuesday, February 16, 2010

maling tula, maling makata, maling blog page

~

pitik bulak, eh alin sa lima
pitik bulag, sige manghula ka
masaya na, nakakatawa pa
huwag sumilip, huwag mandaya

lunes
martes
myerkules
huwebes
byernes

alin sa lima ang kasama ka
pitik bulag 'wag kang mandadaya
baka linggo, ay hindi siguro
hindi rin maaaring sabado

isa
dalawa
tatlo
apat
lima

alin nga, alin nga sa kanila
nakakalito, nakakahilo
nilalaro lang ang isipan ko
nilalaro't aking ginagago


aba
kada
ega
hala
mana

bilangin mo ang lahat ng pantig
pakinggan kung mayroon syang himig
ulitin mo kung mali ang tinig
awitin kung tama sa pandinig

patinig
kataga
talinghaga
tula
tumutugma

uy, leron-lerong tagapag sinta
sa tyubibo sige kumapit ka
o sa bahay kubo umuwi na
alibangbang sumisiritsit pa

1 comment:

  1. maling tula, maling makata, maling blogpage

    eto:
    maling tula, tamang makata, tamang blogpage

    ReplyDelete