Monday, March 1, 2010

tigang (?)

Isulat mo iyong diwa
Hayaan lamang ang pag-agos
Ng isipan upang manawa
Hanggang mapagod at matapos

Isiwalat ang iyong puso
Ipakita lahat ng laman
Kahit na sa iisang bugso
Sa isip makipagsabwatan

'Tong makatang ubod sa tigang
Pilit na pilit sa paglikha
Ng mga tulang malalambing
Nang dahil sa irog ang katha


~Hindi kasing ganda ng mga ibang tula ang tulang ito.

2 comments:

  1. kung ang panunulat mo sinta'y
    mula sa puso't kaluluwa
    mabuti't wag na magkamalay
    nang gandang panitik 'di maluma

    sa pag bagtas mo ng diwa
    at sa pag lapat ng pluma
    oo, di ka mananawa
    kung sa sinta ang iyong likha

    tigang nga kung tayo ay tawagin
    sabik ang puso't damdamin
    isipa'y nana-naig rin
    idaan sa sulat ang pagkabitin...

    kung kamo'y di kagandahan
    huwag kang mag-aalinlangan
    pagkat nagmula sa pagibig
    sa puso rin inihatid


    hahaha!

    ReplyDelete