Tuesday, March 2, 2010

Pagsintang Cininta ng Bagong Pagcinta

~
sa larangan ng mga papel at pencel
cusang nag-lalabasang mga hilahil
ng yaring dibdib cong hindi mapipigil
nang aco ai pag-aluiang pasacitan
~
at sa pagcaraang acing mahagilap
ang bucang liuay-uay ng umagang sicat
hindi co lubos mantaquin o iciping
nauala ca na nga sa icipa’t piling
~
niyacap cong bauat cinag ng liuanag
dilim ai tuluyang cong tinalicuran
pagcat wala ca man sa tabi’t icipan
sa puso co ikao pari’y tangan-tangan.
~
ang pinacilala mong caligayahan
pagdaca’i ibinalot ng calungcutan
lumipas pa ang cairaming mga arao
lalo pang sacit ang siang nangingibabao
~
acoi humawac lang at hindi bumitao
pinilit na puso’i manaig, lumitao
upang cailan ma’i hindi panghinayangan
mga pinunla nati’t pinaghirapan
~
sa pag picit ayao dumilat man lamang
natatacot sa’cing cinahaharapan
at nais ring manac-bo sa nacaraan
hinangad na matulog ng walang hanggan
~
cairaming catotong aquing pinacinggan
cadalasan ri’ ‘di pinaniuala-an
pinalipas at sa taingai’ pinalagpas
ibinato sa langit ang aquing bucas
~
ang unang bucal ng buhai cong umasa
sa caitaasang auit ai cinanta
casabai ng agus sa’cing mga mata
at panalangi’ lahat ai umayos na
~
macisig acong namulat at naquinig
cinubucang muling acoy magcahimig
mula sa pagal co nang puso at dibdib
nangalimuyak at ligayai’ nangauit.
~
at nakilala co ang bagong ligaya
hindi lang catumbas pagkat humigit pa
nangasaranggola sa’cing caluluwa
nangangata sa aquing puso at diua
~
nanga-iba na nga ang buhai cong sinta
tuing arao, nana-nabic sa kaniya
bauat yakap niyai’ hindi mahuplasan
nang gabing lamig, canyang napipigilan
~
masalimuot mang tayo ay nagtapos
kung minsan pag-ibig mai’ nagahikahus
sa kaduluhai’ masayang nairaus
at dala-dalai’ bagong ligayang haplos

No comments:

Post a Comment