Bakit sinta, ngayon ka lamang nagbalik?
Kay tagal nang sa iyo ay naghihintay
Sa iyong mainit na yakap at halik
Gamit mga tulang nakapanghahalay
Ilang malalamig na buwan ang lumipas
Kahit pagdalaw mo lang sinta'y inasam
Dinasal ko nang sana'y oras pumaspas
Upang masilayan muling magparamdam
Puso ko'y sa dilim lamang nanatili
Sa lugar kung saan ako'y nag-iisa
Malayang nagwawala, nakakatili
Sa iyong alaala nagpakasasa
Minsan, naman ako'y nawalang pag-asa
Tinatanggap na nang marahang marahan
Ika'y di na babalik sa iyong musa
Mapanglaw, namamatay, pinanghinaan
Ngunit pag-ibig sadya ngang matiisin
Sa gitna ng dilim laging nakangiti
Balang araw babalik, hahaplusin din
Muling sa liwanag, pagirog babati
Wednesday, February 9, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment