Monday, July 4, 2011

Isang sandaling di ko malimutan sa UP; siya ako at si Oble lang ang saksi.

Maganda ang buwa't akma ang panahon
Masarap mahiga, ayaw nang bumangon
Niyakap ko siya at di binitiwan
Dahil sa takot kong siya ay lumisan.

Doon kay oblation siya'y walang saplot
Sa inilatag kong manipis na kumot
Ay dahandahan kong siya'y pinalaya --
Hininga'y pinigil; rurok ay sinadya.

Bawat ala-alang aking nasisilip
Ay di ko mabura dito sa'king isip;
Siya ang may alam, s'ya lamang ang saksi
sa mga ligayang ayaw kong iwaksi.

Dama pa sa pisngi ko ang kaniyang buhok
Na nagpapatibay sa pusong rumupok
At sa pag antay ko ng pag-asang patay --
Sa ala-ala ko'y laging siya'y buhay.

2 comments:

  1. Hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung bakit paulit paulit ka pa rin nagpopost sa blogspot na ito ng mga tulang tila nagsasabing ako ay mahal mo pa rin. Gayong kitang kita naman ng lahat na kinalimutan mo na ang lahat ng mga bagay na ito.

    Kung mayroon man tayong alaalang masaya at kaibig ibig o kung ano man, sana ay may maalaala ako. Dahil matapos ang ilang buwan paulit ulit na paggayat mo sa aking puso at mga ugat at pagngata sa aking pagkatao, tanging naalala ko na lamang ay ang mga pasakit.

    ReplyDelete
  2. itong tula na to ay hindi para sa isang babae, ito ay para sa ala-ala ng aking pusong makabayan na berhin pa sa katotohanan.

    "Bawat ala-alang aking nasisilip
    Ay di ko mabura dito sa'king isip;
    Siya ang may alam, s'ya lamang ang saksi"

    ito yung mga bagay na gusto parin ipaglaban ng mga taong galing sa sinapupunan ni oble, ngunit alam nilang hindi na kaya at wala ng pag-asa

    "At sa pag antay ko ng pag-asang patay --
    Sa ala-ala ko'y laging siya'y buhay."

    ReplyDelete