Wednesday, October 12, 2011

pagsabog ng libog na diwa


NOTE: ang tulang ito ay para lamang sa malalayang kaisipan. :)

Maraming salamat!

~
buhayin aking libog
hubaran aking diwa

hayaang pagnanasa
maghari at manawa 

lalaban kong bawat halik
dadakutin ang pagsabog
kalayaang kay tagal nang nanabik
nangangalmot sa bubog 

hagurin ng maraming dila
hayaang nang mangamoy

o kay sarap!

ang hiwang tumutula
libog na humihiyaw, nanaghoy

sa sarap ng paglaya
ng diwang ikinubli
sa tigang na panloob


 ~
--10/13/2011 --

Pagtatapos ng Pananalinhaga


nag-uumapaw ang puso sa ligaya
hindi maipinta ang tamis ng bibig
sa mga mata'y umaagos ang saya
pananalinhaga ng puso'y pag-ibig
mula nang nagmahal, sumulat ng tula

di maipahiwatig tangan ng kupido
mga pusong nagluluksa'y binubuhay
sa isang iglap, nag-alab ang libido
naghimig ang mababagsik na tayutay
talinhaga nitong pagibig na bulag

kay gandang pagmasdan, haraya ay damhin
pag-ibig na wagas sa mata ng madla
nawa, ang kasinungalinga'y aminin
sa kalokohang bibit wag nang madala
mamamanhid din ang musa sa pasakit

sa pagtatapos ng pananalinhaga
magwawakas na rin itong panunula
ukol lamang sa makatang tinatyaga
huhugutin na lahat ng ipinunla
pag-ibig na wagas, heto na ang wakas

-june 30, 2011

muntik


Ating paglalaro'y nagsisimula na
Kasama ka sa mga tawa't hagikhik
Sa ngiting aking kinahuhumalingan
Pagtibok ay may malakas na pagpitik

Hahawakan ang nakasinding bumbilya
Sa mga kamay mong hindi maaangkin
Matinding liwanag satiy bumubulag
Hayaan ang ligayang tayo nang dakpin

Magpapasabog ng kwentong kabaliwan
Hahalahakan ko ang 'yong mga biro
Sa paglimot sa tinakasang mundo
Angkinin ang oras ng larong tuliro

Makikisayaw sa saliw ng musika
Na bakit ngayon mo lamang natagpuan
Sa hagod ng melodiya ng tugtugin
Sa kathang mundo natin madadapuan

Ating kasiyahan ay magwawakas na
Itong hapong aking kinamumuhian
Tunay nating mundo ay natatawag na
Bukas kaya'y muli pang maaaabangan?



 --August 22, 2011--

FRANCISCO


magkakape sa masasayang hagikhik
upang sa pagkakaibiga'y mahaplos
ligayang sa puso malakas pumitik
sa malalambing mong bulong na kay lamyos

sa'yong ligaya, madalas makiduyan
malayang naghilom sa 'yong mga bisig
sa pait ng luha man pinadaluyan
sa iyong piling francisco, ako'y nahilig

nawili, samaha'y di mapakawalan
mga mata'y kalipon ang pagmamahal
kahulilip ng tuwang pinagsadlakan
pag-ibig na 'di mayakap dahil pagal

ikaw ang solana sa'king kadiliman
tangan tangan ang libo-libo mong ngiti
ikaw francisco, oh francisco aking yaman
sa'king bahaghari, pilak na baluti

kung sa bukas man na aking inaasam
ikaw'y kasipin ng isang kaagaw
sana'y 'di magapi pagkakaibigan
kahit minsan ikaw'y makaulayaw

~ 09/19/2011 ~

agos


pinaalis, tinaboy ang pag-ulan
pasakit sa iyong paang nababasa
pang-irita sa mundong mong natitigang
ligayang sa tubig di makatampisaw

sa pag-iinit nitong panahong banas
ninais, inasam mong muling umulan
pag-agos,pagnanasang muling pagtagas
mga ulap ay napagod, natuyuan

wag nang piliting hanapin ang nawala
minsang nariyan, pinilit na pinaalis
kailan nga ba magtatagpo, madadala
ng patak na parati kang ninanais

-- 09/24/2011 --

nang ang musa ay umibig


nang ang musa ay umibig
dumaloy ang mga tula
sa damdaming naghihimig
umagos mga himala

namulaklak ang salita
paru paro'y nagliparan
hinahawi ang dalita
alpombra ang nilakaran

sikat ng araw, kay init
di napapaso sa ganda
harapin mundong marikit
sa mga dagok ay handa

ang pagtula'y naging buhay
pagkain ang paghihimig
talihaga'y naging gabay
aminado sa pag-ibig

nang mabigo na itong musa
akalang mahal nang wagas
lungkot ay biglang dumagsa
hinihigop lahat ng lakas

mundo ng musa'y nanlamig
mga rosas ay natuyot
nanghihindik mga himig
balot ang hubog ng yamot

panunula'y di natigil
pusong kay tindi ng ngalit
ang puot ay nanggigigil
idinadaing ang sakit

nang ang musa ay umahon
sa pagkalugmok ng puso
ang pintig ay huminahon
sabay nawala ang pulso

mga damdami'y nawala
naglaho ang mga himig
musa'y tumigil manula
nilimot na ang pag-ibig


 ~10/7/2011~

~
























I stare at the ceiling.
Blank.

Clouds are empty and shapeless.
I am lost.

Thoughts with mad sharp eyes,
Cut my brain.

And into pieces
I have gone crazy

I tried to fix the puzzle.
So helpless.

The view became black.
Now, I'm blinded.

While the heart of an empty glass
Mercilessly break...

As anger grinds
The hopeful peace.